Carlo Aquino tapat na inaming si Charlie Dizon na ang babaeng kanyang pakakasalan

 

Photo Courtesy: @jose_liwanag,@charliedizon_/instagram

Tapat na inamin ng actor na si Carlo Aquino na ang actress na si Charlie Dizon na ang babae na gusto niyang pakasalan.

$ads={1}

Sa panayam ng Pep.ph sa actor ay ibinahagi niya ang qualities ni Charlie na nagustuhan niya ng lubusan.

“Palaban kasi. Palaban sa tamang paraan. At saka ang gaan, ang sarap tumawa. Saka kapag may problema, uupuan. Pag-uusapan nang maayos,” sabi ni Carlo 

$ads={2}

“Nag-aaway pero pag-uusapan nang maayos. Yun naman eh. Yun naman yung pinakaimportante, maglalakad kami, lalabas kami, pag-uusapan namin,” sabi pa ni Carlo 

Nang tanungin naman kung ano ang plano nila ngayon darating na Valentines day ay sinabi ng actor na: “Wala, e. Andami kasing lumalabas, e. Andaming tao, ang traffic. Kesa ma-relax kang mag-date, kaka-stress yung traffic,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form