Cristy Fermin umalma sa inilabas na pahayag ni Dominic Roque

 

Photo Courtesy: OnePh/Youtube

Umalma ang beteranang columnist na si Cristy Fermin sa naging pahayag ni Dominic Roque. Matatandaan na sa pamamagitan ng Fernandez & Singson law offices ay inilabas ng actor ang kanyang saloobin laban sa umanoy mga alegasyon ni Fermin. 

$ads={1}

Sa show ni Fermin na Cristy Ferminute ay tinawag niya si Roque na umanoy sensitibo: "Ngayon, Dominic Roque, napakaselan mo, napaka-sensitibo mo. Public figure ka pero lumalabas dito sa iyong pinalabas na opisyal na pahayag sa pamamagitan ng iyong mga abogado, na ayaw mong may naririnig at nababasa na para sa iyo ay hindi kagandahan na kwento," sabi  ni Fermin 

Sinabi rin ni Fermin na public figure umano sila ni Bea kaya para raw silang mga isda sa aquarium na laging tinitingnan.

$ads={2}

"Unang-una, public figures kayo, wag na natin gamitin yun public property dahil may sarili rin kayong buhay na dapat itira kahit kudlit lang para sa sarili niyo. Pero pigura kayo ng showbiz, public figures kayo, anumang nangyayari sa buhay niyo ay para kayong isda sa aquarium. Tinititigan kayo,"sabi ni Fermin 

Sinabi pa ni Fermin na hindi raw gaano kasikat si Dominique at kumikinang lang umano ang pangalan nito dahil kay Bea.

"Ikaw Dominic, hindi ka pa nga gaanong sikat. Ang totoo, kuminang ang pangalan mo dahil kay Bea Alonzo. Kuminang ang pangalan mo dahil kay Bea Alonzo tapos ikaw pa ang magiging ganto kaselan? Ganito kainosente? Ganto kapili ng gustong marinig at mabasa." sabi ni Fermin 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form