Kyla malungkot na ibinahagi na nakunan siya sa ikalimang pagkakataon

 

Photo Courtesy: ABSCBN Entertainment/Youtube

Malungkot na ibinahagi ng singer na si Kyla na siya ay nakunan nito lamang pasko sa ikalimang pagkakataon.

$ads={1}

Sa isang episode ng Magandang Buhay ay naging guest si Kyla kasama ang kanyang asawang si Rich Alvarez na dating basketball star at ngayon ay isa ng coach.

Sa naturang episode ay ibinahagi ni Kyla ang challenge na kanila ngayong hinaharap ang bigyan ng kapatid ang kanilang anak na si Toby.

“For us 'yung biggest challenge would be giving Toby a sibling. We've been struggling for years and years and years. It's been really hard, especially very recent lang 'yung sa amin eh,” sabi ni Kyla

$ads={2}

“Just before Christmas actually I suffered another one. 'Yun 'yung biggest challenge,” dagdag pa nito 

Sa kabila nito ay grateful parin si Kyla sa kung anong meron siya ngayon: “But I am also very grateful and thankful kasi at least nabigyan kami ng isa at kung madadagdagan pa, bonus na lang 'yon,” 

Thankful din siya dahil rich ang ibinigay sa kanya ng Panginoon: “Kaya siguro siya rin ang ibinigay sa akin ni Lord -- si Rich -- kasi I don't think anyone would love me like the way he loves me or ever will love me. Parang feeling ko mahirap kasi akong mahalin. Siya lang talaga yung magmamahal sa akin ng ganito. So I am just really thankful,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form