Cristy Fermin naawa kay Gerald Anderson matapos umanong pagbintangan sa hiwalayan nila noon ni Bea Alonzo

Photo Courtesy: @andersongeraldjr,@beaalonzo/instagram

 Muling naungkat sa show ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na ang tungkol sa issue ng hiwalayan noon ni Bea Alonzo at Gerald Anderson.

$ads={1}

Kasunod ito ng nagsilabasang tsismis tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque na ayon sa ilang netizens ang actress umano ang nakitang may dahilan. Kaya sa show ni Fermin ay binalikan nila ang issue noon sa pagitan nina Gerald at Bea.

“‘Yong kay Gerald Anderson, kaawa-awa ang batang ito noong sila’y maghiwalay ni Bea dahil ‘yong bintang sa kaniya ay ghosting,”sabi ni Fermin

$ads={2}

“Ang sabi po no’n ni Bea Alonzo, sila pa raw ni Gerald hindi raw niya alam na may pinasok na Julia Barretto, ‘di ba,” aniya pa

“Kaya doon pumasok ‘yong salitang ghosting. Na kung tutuusin, kay Bea lang naman nanggaling ‘yong salitang ghosting,” dagdag pa nito 

Ngunit sa kanilang pagsisiyasat ay tila pareho raw na gighost nina Bea at Gerald ang isat-isa.

“Tapos pinatingnan natin kung kailan naman nagkasama si Julia Barretto at Gerald Anderson, 2019 din. At nagsimula na rin ‘yong pag-uugnay sa kanila. So, ano pong ibig sabihin nito? 2019 sila pareho. Mayroon na pala silang pinagkakaabalahang iba. Eh ‘di pareho silang nang-ghosting.  Ala siyang inamin na nang-ghosting siya. I never did that sabi niya. Pero hindi na niya ito dinagdagan pa. Si Bea itong makuda" sabi ni Fermin 

Kaya hindi raw inamin ni Gerald na gino-ghost niya si Bea : "Kaya pala niya ipinagpipilitan na hindi niya ginosting si Bea, meron na rin palang kwento ng Dominic Bea noong panahon na 'yun. 2019" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form