Dennis Padilla nagulat at tumulo ang luha matapos padalhan ng mensahe ni Julia Barretto

 

Photo Courtesy: @dennisastig/instagram

Nagulat at di mapigilang tumulo ang luha ni Dennis Padilla matapos magparamdam narin sa wakas ang kanyang anak na si Julia Barretto.

$ads={1}

Sa panayam ng ABSCBN News sa actor ay ibinunyag ni Dennis na pinadalhan siya ni Julia ng birthday message noong February 9.

“Nagsimula na nga nu’ng birthday ko, nagulat din ako dahil gabi na nu’ng ma-receive ko ‘yung text. Nu’ng una nga, hindi ko alam sabi ko… number pa pala niya ‘to… Ilang years, ang tagal,” kuwento niya.

$ads={2}

“Nag-text siya, may short message siya roon. Tapos sumagot ako, tapos meron din akong short message. Tapos ‘yung short message ko, ang isinagot niya sa akin, ano lang, icon na heart. So ang isinagot ko, heart din,” dagdag pa niya.

“Actually, hindi ko alam bigla na lang tumulo ‘yung luha ko,” patuloy pa niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form