Dominic Roque at Bea Alonzo nakabalikan na?

 

Photo Courtesy: @dominicroque/instagram

Nagkabalikan na nga ba sina Dominic Roque at Bea Alonzo? Ito ang isa sa natalakay ng showbiz insider na si Jobert Sucaldito sa isang episode ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon”  nito lamang Huwebes, Pebrero 22.

$ads={1}

Nai-kwento kasi ni Jobert sa naturang show ang tungkol sa umanoy zoom meeting kamakailan na dinaluhan ni Dominic Roque.

“There is a Zoom meeting—a Zoom meeting—na dinaluhan si Dominic very recently. At habang nagzo-Zoom meeting siya, mayroong sa likod na boses na nagsalita. Boses ni Bea,” kwento ni Jobert 

“I’m not confirming na si Bea ang nagsalita,” sabi pa nito 

$ads={2}

Nang tanungin si Jobert ng kanyang kasamahan kung ano raw ang sinabi ng babae ay ikwento ni Jobert na: “‘Hon, gusto mo ba ng tacos?’ So, si Dominic medyo nataranta. Kasi he was in a Zoom meeting, e. Syempre may mga kausap siya. Ang ginawa niya agad, minute niya ang kaniyang phone.”

Kaya naman naging palaisipan kina Jobert at kanyang kasamahan kung sinong "Hon" ang  kasama ni Dominic. Kaya napatanong ang kasama ni Jobert na: “Agad-agad may girlfriend siyang bago?”

Sabi naman ni Jobert: “Di ba? Agad-agad naka-move on na siya, may girlfriend siyang bago? Wala tayong nababalitang ganyan. Di ba si Bea is in Singapore baka malay mo nakabalik na,” 

Narito ang kabuang video: 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form