Post kung saan ibinida ni Albie Casino ang throwback photo nila ni Kathryn Bernardo viral

 

Photo Courtesy: @thestallion09/instagram

Nagviral ngayon sa social media ang post ni Albie Casino na kung saan ibinida nito ang throwback picture nila ng kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

$ads={1}

Ang nasabing picture ay kuha ng magkatambal sila noon ni Kathryn sa teleseryeng "Maria Clara" noong 2011.

"Teenage you I bet some of yall skip" sabi sa caption ni Albie 

Matatandaan na naging matunog noon ang tambalan nina Kathryn at Albie ngunit naglaho ito ng parang bula matapos masangkot sa isang kontrobersiya ang actor.

$ads={2}

Pinaratangan kasi siya noon ng actress na si Andi Eigenmann na umanoy ama ng pinagbubuntis nito ngunit kalaonan ay nalaman sa pamamagitan ng DNA test na si Jake Ejercito pala ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Photo Courtesy: @thestallion09/instagram


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form