Karla Estrada kay Daniel Padilla: “Anak sa ABS-CBN lang tayo. Hanggang pagtanda anak”

 

Photo Courtesy: Star Magic

Inihayag ng actress na si Karla Estrada kung gaano siya ka-loyal sa ABSCBN. Naibahagi ito ni Karla sa kanyang emosyonal speech sa contract signing ng anak niyang si Daniel Padilla sa ABSCBN.

$ads={1}

Sa kanyang speech ay kinogratulate niya ang kanyang anak sa pagrenew nito ng kontrata sa ABSCBN. Inalala din niya ang pangako nila noon sa nasabing network na hindi nila ito iiwan.

“Napakaganda na ng sinabi ng lahat pero anak, walang hanggang congratulations. Kami at ng buong angkan mo na sa pangunguna ni lola mo ay talagang masayang-masaya dahil sa pagtupad natin at siyempre sa pagtupad din ng ating mga salita simula nang nangyari sa ABS-CBN ito. Kung naalala mo, sinabi ko ‘anak sa ABS-CBN lang tayo kahit ano'ng mangyari’"sabi ni Karla 

$ads={2}

Sa kabila ng nangyari sa ABSCBN ay talagang pinanindigan ng actress na hindi iiwan ang kapamilya network: “Si Tita Cory ay saksi sa lahat ng pag-uusap araw-araw, pero yes, hindi man natinag kahit kailan si Daniel na aalis sa ABS-CBN,”

Nagbigay rin ng mensahe si Karla sa kanyang anak:  “Anak congratulations, and anuman ang dadaanan mo, kalsada mo yan, at galingan mo dyan at importante, masaya ka dyan anak. Lahat ng gagawin mo ialay mo sa Panginoon at hinding-hindi ka magkakamali. I love you,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form