Kathryn Bernardo tinulungan ang batchmate niya sa Goin Bulilit para makapagtapos ng College

 

Photo Courtesy: @bernardokath/instagram 

Tinulungan umano ng actress na si Kathryn Bernardo ang batchmate nito sa Goin Bulilit para makapagtapos ng College.

$ads={1}

Ito ang ibinahagi ng direktor na si Edgar Mortiz sa isang video message sa naganap na contract signing ni Kathryn noong nakaraang biyernes sa ABSCBN.

"Ang hindi ko alam na ginagawa pala ni Kathryn na natuwa ako, nakita ko 'yung nanay ng isang 'Bulilit' tapos kinuwento niya sa 'kin nung namatay ang tatay ng 'Bulilit' na 'to, ang nagpa-aral sa kanya, si Kathryn. Doon ko lang nalaman,"sabi ni Mortiz 

"Tuwang-tuwa ako na, hindi pala siya nakalimot sa mga kasama niya. Proud na proud ako kay Kathryn,"dagdag pa niya 

$ads={2}

Hindi na pinangalanan ni Kathryn ang batchmate na kanyang tinulungan ngunit aniya close umano ito sa kanya.

"During that time, the dad, naging kaibigan namin ni Mama, alam mo 'yun sabay kakain and then for a time nag-stop mag-artista 'yung tao na 'to and naka-receive kami ng message from the mom na ito 'yung nangyari sa dad tsaka 'di na rin siya nag-artista,"sabi ni Kathryn 

"Bilang nakasama mo, siyempre tutulong ka hangga't kaya mo. 'Yun 'yung ni-promise namin ni Mama sa dad niya na tutulungan ka namin kasi ito 'yung isa sa dreams ng dad niya sa kanya, na makatapos ng college because he's so smart and alam mo rin 'yung mga tao na masarap tulungan kasi masipag."dagdag pa ng actress 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form