Kristoffer Martin kay Kathryn Bernardo: ‘Tuloy natin ang Endless Love’

Kristoffer Martin| Image:Instagram/@kristoffermartin_

Nag-express ng kanyang interest ang actor na si Kristoffer Martin na muling makatrabaho ang kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

$ads={1}

Sa programang fast talk with Boy Abunda ay natanong si Kristoffer kung magkaibigan parin ba sila ni Kathryn na matatandaang siya ang kauna-unahang kalove-team ng actress sa GMA show na "Endless Love".

“Sana [friends]. But nagkikita kami sa mga events, naghi hello pero ‘yung personal na nagmemessage hindi po,”sabi ni Kristoffer 

$ads={2}

Nagbigay rin ng mensahe si Kristoffer kay Kathryn: “Kath, baka naman. Work tayo. Sayang ‘yung ‘Endless Love’. Tuloy natin. Gandang following non,”

Ipinalabas ang Endless Love noong 2010 na kung saan ginampanan nina Kathryn at Kristoffer ang mga batang Marian Rivera at Dingdong Dantes, hango rin ang naturang series sa korean drama na “Autumn in My Heart.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form