Xyriel Manabat hinangaan dahil hindi lumaki ang ulo sa kabila ng tinatamasa nitong kasikatan noon

 

Xyriel Manabat | Image Courtesy: @xyrielmanabat_/instagram

Hinangaan ng maraming netizens ang actress na si Xyriel Manabat dahil di umano lumaki ang ulo nito sa kabila ng tinatamasa nitong kasikatan noon.

$ads={1}

Sa isang panayam na ibinahagi ng @AltStarMagic sa X ay sinagot ng actress ang tanong tungkol sa pagiging sikat at kung hindi ba siya takot kung ano ang sasabihin ng publiko sa kanyang muling pagbalik sa pag-arte.

"Simula nung bata ko, hindi ko po talaga pinapasok sa utak ko yung fame.Hindi ko po talaga inisip na kilala ako, mas kilala ako...Hindi ko po yun priority, ang gusto ko po umarte..."sabi ni Xyriel 

$ads={2}

Kwento pa ni Xyriel hindi lang daw siya nag-audition para magpapicture, nag-audition umano siya para umarte.

"Hindi naman po yung fame yung pinag-artistahan ko, kundi yung talent ko.Hindi naman po ako nag-audition nang ang audition ko kung paano magpapicture, paano sumagot sa isang interview, paano pumunta sa isang mall show. Ang pinag-audition ko ay paano umarte," sabi ng actress 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form