Vhong Navarro hindi pinagsisihan na maagang nagkaroon ng anak

 

Photo Courtesy: ABSCBN Entertainment/Youtube-@vhongx44/instagram

Hindi pinagsisisihan ng Its Showtime host na si Vhong Navarro na maaga siyang nagkaroon ng anak. Naibahagi ito ni Vhong sa isang episode ng Its Showtime segment na EXpecially For You na kung saan pinayuhan niya ang contestant na nag-share na tutol daw ang kanyang ama na may karelasyon siya at a young age. 

$ads={1}

Sabi ni Vhong: “Mas maa-appreciate mo ‘yung mga magulang mo kapag magulang ka na rin. Kasi noong time na ‘yung anak ko ay teenager na, talagang sinasabi ko na, ‘Naku mag-aaral muna!’ Kasi noong time ko, maaga rin akong nagkaanak. Sinasabi ko sa sarili ko na kung hindi ako nagkaanak kaagad, baka nakapagtapos ako kaagad ng pag-aaral, mas nae-enjoy ko pa ‘yung pagiging binata,” 

Ngunit ayon kay Vhong hindi naman daw siya nagsisisi na naging ama siya ng mas maaga.

“Pero hindi ako nagsisisi na naging tatay ako nang maaga kasi minahal ko sila, hindi ko sila pinabayaan. Ang akin lang, sana mag-aral din muna. Darating at darating din ‘yang mamahalin mo. Huwag kang magmadali,”sabi ni Vhong 

$ads={2}

Marami naman ang humanga kay Vhong sa kanyang sinabi at sa ngayon ay proud si Vhong sa isa niyang anak na si Yce na bahagi na ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form