Dennis Padilla hiling na siya ang maghatid kay Julia sa altar kung ikakasal sila ni Gerald Anderson

 

Photo Courtesy: @andersongeraldjr,ABSCBN News/Youtube

Hiling ng actor na si Dennis Padilla na umanoy siya ang maghahatid sa anak niyang si Julia sa altar kung ikakasal ito sa boyfriend nitong si Gerald Anderson.

$ads={1}

Sa panayam ng Entertainment press sa actor para sa pelikula nitong “When Love Hurts” na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas at Mutya Orquia ay ibinahagi ni Dennis na okay raw para sa kanya si Gerald dahil napatunayan umano nitong mahal niya si Julia.

“After all these years, ‘di ba, napatunayan niya na mahal niya ‘yung anak ko, eh. Saka nakikita ko, mahal niya ‘yung anak ko kaya okay sa ‘kin ‘yun,” sabi ni Dennis 

Nabanggit rin niya na never pa silang nagka-usap ni Gerald at gusto raw niyang magka-usap sila ng personal. 

$ads={2}

“Joshua Garcia did that to me. He talked to me,”sabi ni Dennis. Matatandaang naging magkasintahan sina Joshua at Julia noon.

Samantala kung ikakasal raw ang kanyang anak kay Gerald ay gusto niyang siya ang maghatid sa altar.

“Isa ‘yun sa pinakamahalagang bahagi ng pagiging tatay, eh. Na hahatid mo ‘yung daughter mo sa altar, ‘di ba? Isang beses lang mangyayari sa buhay mo ‘yun kaya gusto kong mangyari ‘yun" sabi ni Dennis

“Pero kung hindi man mangyayari ‘yun, eh gusto ko pa ring ma-witness ‘yung wedding na ‘yun kahit na hindi ako ang maghahatid,” sabi ni Dennis.

“Sana naman, ma-invite ako,” hirit pa niya

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form