Andi Eigenmann hindi isinarado ang pinto sa pagbabalik showbiz

 

Photo Courtesy: @andieigengirl/instagram

Hindi isinarado ng dating actress na si Andi Eigenmann ang posibilidad sa pagbabalik niya sa showbiz industry kasunod ng pagpanaw ng kanyang inang si Jacklyn Jose.

$ads={1}

Ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog. Naka-chikahan raw ni Ogie si Andi nang dumalaw siya sa burol ni Jacklyn.

Kwento raw ni Andi, natutuwa raw siya kay Cory Vidanes, ang ABSCBN COO dahil noong niyakap siya nito ay sinabi ng huli na kapag may problema siya’y sabihan lang ito.

$ads={2}

“And something like, ‘Kung may balak kang bumalik sa showbiz, we are just here waiting for you.’ Natuwa si Andi na parang, may asim pa pala ako,”kwento ni Ogie

“Sabi naman ni Andi sa akin, hindi naman daw niya sinasara ‘yung pinto pero sa ngayon daw hindi niya naiisip bumalik kasi nga eh busy siya du’n sa Siargao,” dagdag pa niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form