Claudine Barretto nagreact sa pagkikita nina Julia Barretto at Bea Alonzo

 

Nagreact na ang actress na si Claudine Barretto sa pagkikita nina Julia Barretto at Bea Alonzo kamakailan sa tribute ni Mr. M o mas kilala bilang Johnny Manahan.

$ads={1}

Nagviral kasi ang video nina Julia at Bea sa naturang event. Makikita kasi sa naturang video na nagbeso-beso ang dalawa at tila nagkabiroan dahil tawa ng tawa ang mga ito.

Sa panayam ng ABSCBN News sa actress ay nahingan siya ng reaksyon kaugnay sa interaksyon nina Julia at Bea.

"Sobrang na-happy ako doon," sabi ni Claudine 

$ads={2}

“That was what I was worried about that night. Knowing Julia, hindi iyan matapang. Hindi iyan parang ako, ayaw nga niyan umakyat ng stage. Nahihiya. Hindi ko alam, basta. Sinabi ko na, hindi, sama siya sa akin." sabi pa ng actress

Ayon pa sa actress ay sa tingin niya naka-move on na si Bea sa isyu nila noon ni Julia.

Matatandaan na naging laman ng tsismis ang umanoy love triangle issue noong 2019 sa pagitan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form