Claudine Barretto sa pagpanaw ni Jacklyn Jose: 'Bakit hindi ko siya naramdaman?'

 

Photo Courtesy: MJ Felipe, ABS-CBN News

Talagang di mapigilang maiyak ng actress na si Claudine Barretto habang ibinahagi ang mga di malilimutang memories niya sa yumaong si Jacklyn Jose.

$ads={1}

Naibahagi ito ni Claudine sa panayam sa kanya ng ABSCBN reporter na si MJ Felipe. Kino-consider na bilang nanay ng actress si Jacklyn simula ng magkatrabaho sila bilang mag-isa sa isang soap-opera noong 90's na "Mula Sa Puso."

Kwento ni Claudine: “Not a lot of people know na magkapitbahay kami. Aside from her being my mom and you know, gaya ng sinabi ko, minsan 'pag galing siyang taping, bago siya umuwi, dadaan sa bahay, aakyat ng kwarto tapos sasabihin niya sa akin na parang ‘na-miss ka lang ni Nanay, kaya dumaan ako’,” 

$ads={2}

Dagdag pa niya: “'Pag may problema naman ako, tatakbo naman ako sa bahay niya... Aakyat lang ako sa kwarto niya, papasok lang ako, tapos tatabihan ko siya at alam naman niya 'yung pinagdadaaanan ko. For the longest time, she’s always been there. And 'pag sinabi ko na, ‘Nay pwede bang dito muna ako?’ Patatahanin niya ako, tapos the next day may mainit na mainit na sinigang na ako from her.”

“Basta 'pag may pinagdaraanan ako, nararamdaman niya ako. Kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit hindi ko siya naramdaman,” aniya pa

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form