Lala Sotto ibinahagi ang nangyari ng magkita sila ni Vice Ganda sa unang pagkakataon

 

Ibinahagi ni MTRCB Chairman Lala Sotto ang nangyari ng magkita sila sa personal ng Its Showtime na si Vice Ganda sa unang pagkakataon.

$ads={1}

“We finally met few days ago lang… I was so, so happy to have finally met Vice Ganda. For the first time ko siya nakita in-person,” kwento ni Lala sa isang panayam 

Nangyari ito sa naganap na UNA Fashion Gala ni Paul Cabral sa The Laperal Mansion noong February 27. Ayon kay Lala hindi raw planado ang pagkikita nila ni Vice ngunit siya ay masaya dahil nagkita narin sila sa wakas ng personal. 

$ads={2}

“It was the fashion show of Paul Cabral, so nagkita kami dun. Nakakatuwa kasi nobody introduced us. I just, of course, knew na siya si Vice Ganda. Then, nagkataon lang kasi napakaraming tao, so nagkatapat kami. So ayan, nagkita kami, nagbeso kami… nakakatuwa. So happy, finally, nag-meet kami.” kwento ni Lala

Sa kabila ng issue na nangyari sa pagitan sa kanila ni Vice ay wala naman umanong masamang sinabi ang komedyante sa kanya kaya naging magaan lang ang kanilang pagkikita.

“Nakakatuwa. Praise God. I was so happy.” kwento pa ni Lala 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form