Pangarap ni Donita Rose na makapag-asawa ng isang "virgin" natupad


Photo Courtesy: @dashofdonita/instagram

Tapat na inamin ng actress na si Donita Rose na natupad raw ang kanyang hiling na virgin ang kanyang mapapangasawa.

$ads={1}

Naibahagi ito ni Donita ng mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda." kamakailan lang.

"Nag-joke ako kay Lord... sabi ko, ‘Lord sana maging virgin ang asawa ko.’ Natupad!” sabi ni Donita

Kuwento pa ng host-actress noong nagde-date sila ng ngayon ay mister niyang si Felson Palad, isang singer, ay ipinagtapat nito na virgin pa ito.

"Hindi ko siya sinagot. Sabi niya, ‘Bakit, na-turn off ka na ba?’ Sabi ko, ‘Alam mo ba na ‘yan ang prayer ko kay Lord, na hindi ko akalaing nakakatawa pala si Lord, na kaya niyang sagutin pati ‘yung small things',” dagdag pa niya 

$ads={2}

Maliban sa virgin, ilan pa sa mga katangian ng mapapangasawa na ipinagdasal niya sa Panginoon ay "parang puwedeng pastor, puwedeng worship leader, dapat Pinoy or at least half. Dapat guwapo siyempre. Dapat matangkad pa sa akin, dapat siya ‘yung magiging breadwinner, kasi marami akong pinagdaanan. Dapat nakakatawa."

Matatandaan na ikinasal sina Donita at Felson noong 2022. Una siyang ikinasal kay Eric Villarama noong 2003 pero nauwi ito sa divorce matapos ang 12 taon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form