Diwata nagsalita na sa nambabash sa kanya na hindi niya mapagbigayang magpapicture

 

Photo Courtesy: diwata pares over fans page/Facebook

Binasag narin sa wakas ni Diwata ang kanyang katahimikan matapos siyang batikusin dahil namimili umano siya ng mag magpapicture sa kanya.

$ads={1}

Sa panayam ng ABS-CBN News inilahad ni Diwata ang kanyang saloobin hinggil sa naturang issue. Sabi niya:

“Kung may invite (to collaborate or take a picture), kung kaya ng oras ko, go. Pero kung hindi kaya ng oras ko, tumatanggi ako kasi hindi ko puwedeng pabayaan ‘yung business ko. Kaya lang talaga minsan, marami talagang makukulit. Minsan nga kahit natutulog na ako, may kakatok ng 2 a.m. para magpa-picture lang. May ganung eksena. Pero kaya naman pagpasensyahan,"sabi ni Diwata

$ads={2}

“Ang nakakalungkot nga lang, ‘yung mga hindi lang napapagbigyan ng picture, kung anu-ano na ang sinasabi at ina-upload. Wala naman akong pakialam. Wala naman akong taong inaagrabyado. Wala naman akong taong tinatapakan. Kung hindi mo kayang intindihin ‘yung paliwanag ko, nasa sa kanila na ‘yun. Kasi nga busy ako. May ginagawa ako. Pero kung may free time ako, lahat welcome kahit maliit na vlogger pa ‘yan, may dala ka man o wala,” dagdag pa niya.

“Ang pinapalabas kasi nila na kapag wala ka raw dala (gift or token), hindi ko raw iniintindi or ine-entertain. Kapag daw maliit na vlogger, hindi ko raw ine-entertain. ‘Yung mga vlogger o kilalang personalidad na pumupunta at ine-entertain ko, kasi may appointment sila. Bago ‘yan dumating, naka-set na ‘yan. Hindi katulad nung iba na dumadating lang nang biglaan, tapos nag i-interview, ina-upload nila, masama na agad ako," saad pa niyang muli.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form