Ina ni Yen Santos nagsalita na; Sinasabing hindi naging magjowa sina Yen at Paolo

 

Photo Courtesy: @paolo_contis/Instagram

Nagsalita na ang ina ni Yen Santos na si Mommy Lilian tungkol sa tunay na namamagitan kina Paolo Contis at Yen Santos.

$ads={1}

Ito ang napag-usapan nina Direk Chaps Manansala at Jobert Sucaldito sa kanilang youtube show na OOTD.

“Tinawagan ko po si mommy Lilian, si mommy Lilian is the mother of Yen Santos kasi very close sa akin ‘yang batang ‘yan more than 10 years na. Sabi ko, ‘mommy may tanong lang ako?’ ‘Ano ‘yun ‘nay?’  Nanay din kasi ang tawag sa akin no’n, eh.  Sina Yen ba at si Paolo hiwalay na? ‘Yun ang tanong ko sa kanya. Sabi sa akin, ‘nanay naman pati ba naman ikaw naniwala?’ (Sabi ko), ‘bakit ‘ny?’ (Sagot ng mommy ni Yen), ‘never namang naging sila?’” kwento ni Jobert 

$ads={2}

Nagulat raw si Jobert matapos sabihin ng ina ni Yen na umanoy never naging magkarelasyon sina Paolo at Yen.

 “Ha? Never na naging sina Pao at Yen? Pero inisip ko coming from a mother baka ayaw lang niya kay Paolo, ‘di ba? Sabi ko, ‘pero ang balita ‘di ba live-in sila?’kwento ni Jobert

“Sabi niya (mommy Lilian) si Yen lives with her tita in Manila. Si mommy Lilian kasi nasa Cabanatuan. Siya ang nagbabantay ng business nila they have a commercial building there, eh may mga umuupa (like) 7, 11 iyon ang kabuhayan nila.” dagdag pa nito  

Kaya tanong ulit ni Jobert kay Mommy Lilian:  “So, ibig sabihin hindi sina Paolo at si Yen? So, hindi totoong magdyowa?’” Sagot ng ina ng actress: “‘Nay naman hindi. Hindi ko nga alam san nila nakuha ang balitang ‘yan.”

Balik tanong ulit ni Jobert: “Baka hindi mo lang alam na dyowa ni Yen si Paolo? Kasi sabi mo nga nag-aaway kayo ni Yen?”

“I should know kasi nanay ako!”  So, I just take the word for it, ‘di ba?  I don’t know how to say it kasi ang mommy mismo ni Yen Santos na si mommy Lilian ay kaibigan ko at si Yen ay anak-anakan ko, at si Paolo anak-anakan ko rin ang nagsabing walang relasyon si Pao at si Yen." sabi pa ni Jobert

Source: BANDERA


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form