Entry ni Vice Ganda sa "Piliin mo ang Pilipinas" viral na

 

Photos: Vice Ganda/Tiktok

Mabilis na nagviral sa social media ang entry ni Vice Ganda para "Piliin ang Pilipinas" challenge na trending ngayon sa Tiktok.

$ads={1}

Ibinahagi ni Vice sa kanyang TikTok account ang kanyang entry para sa naturang challenge.

Ngunit kakaiba ang entry ni Vice dahil hindi lang ito basta2x make-up transformation gaya ng iba.

$ads={2}

Sa halip ay ipinakita niya ang kanyang makahulugang pagmamahal sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilan sa mga mahahalagang isyu at problema ng bansa. 

Pinakita ni Vice Ganda ang ilan sa mga suliranin ng bansa tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at iba pang mga isyu na patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino. Sa kabila ng mga ito, ipinahayag niya ang matapang na mensahe ng pagmamahal sa Pilipinas, "Kahit mahirap kang ipaglaban, pinipili pa rin kita, Pilipinas." 

@unkabogableviceganda Lagi kitang pipiliin, Pilipinas 🇵🇭 #fyp #PiliinMoAngPilipinas #ViceGanda ♬ Piliin Mo Ang Pilipinas - Angeline Quinto

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form