Kampo ni Xian Lim pumalag sa banat ng Kapuso Writer na umanoy mahirap katrabaho ang actor

 

Pumalag na ang kampo ng actor na si Xian Lim sa akusasyon ng isang GMA writer na si Brylle Tabora na kung saan sinasabi nito na: “What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH!” 

$ads={1}

Sa ulat ni Jun Lalin sa Abante ay naibahagi niya na tinawagan umano niya ang tag Viva na malapit kay Xian para tanungin kung ano ang reaksyon ng actor hinggil sa banat ni Brylle. 

Sabi ng kausap ni Jun Lalin: “Nagtataka rin kami kung bakit biglang ngayon siya nag-comment ng ganun. Sana kung may reklamo pala siya, noon pa sinabi na niya. Tinanong nga namin ‘yung isang namahala sa production na iyon.

$ads={2}

“Nasa New York na raw ‘yung writer na ‘yon.

“Si Xian kasi, hindi na ‘yan magre-react, pero ‘yung handler niya, nag-message doon sa writer. Nag-hi siya at sinabing taga-Viva siya. Pero the next day, hindi na siya makapag-message dahil private na ‘yung account ng writer.

“Malamang ang Viva ang mag-issue ng statement about that,”

Source: Abante

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form