Fans ni Francine Diaz pinagtanggol ang actress sa isyu na umanoy siningitan niya ang bandang Orange and Lemons

 

Pinagtanggol ng kanyang mga fans ang actress na si Francine Diaz kaugnay sa issue na umanoy siningitan ng actress ang bandang Orange and Lemons habang nagpe-perform ito sa isang event sa Occidental Mindoro.

$ads={1}

Sa mga video na ibinahagi ng Owemji sa Facebook ay makikitang nasa stage na ang banda nang umentra si Francine at bumati sa audience.

Makikita sa likuran ni Francine ang naturang banda na nagkaroon ng diskusyon at tila nainis kay Francine at siniyasan ang kanyang mga kasamahan na umalis na sa stage.

Matapos nito ay bumalik sa stage ang bokalista ng kanilang banda at naglabas ng kanyang saloobin sa nangyari.

$ads={2}

“Gusto ko lang manghingi ng paumanhin pero kailangan kong sabihin ‘to para sa mga artist… kasi dapat kaninang 11 pa kami dito eh. So sana naman walang sumisingit… Respeto lang ba,”sabi ng bokalista ng bandang Orange and Lemons 

Kaya humirit ang ilang netizens na hindi ang actress dapat ang sisihin kundi ang organizer ng naturang event.

“Walang kasalanan dito si Francine. Ininvite sya, dumating, umakyat sa stage, nagperform. Yung organizers ang palpak. Dapat alam nila yung flow ng show. Nakaka insulto din naman kasi na nagreready na yung banda tumugtog tapos biglang may sasalang pa palang iba,” saad ng fan.

“Francine Diaz at Orange & Lemons sa Occidental Mindoro. Yung organizers may kasalanan dito" sey naman ng isa 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form