Nanaksak noon kay Diwata, nagtrabaho na sa kanya ngayon


Naibahagi ni Diwata sa isang panayam na okay na sila ng lalaking nanaksak sa kanya noong 2016 sa mukha at ang nasabing lalakinay nagtrabaho na sa kanya ngayon.

$ads={1}

"'Yung sumaksak daw sayo, nagta-trabaho na?" tanong ni Toni Gonzaga kay Diwata.

"Yes. Naka-move on na kaming lahat. Nasa akin ngayon," sagot naman ni Diwata.

Ayon kay Diwata, noong 2016 ay sinubukan umano niyang palayasin ang kanyang mga kaibigan sa tulay na kanilang tinitirhan sa kadahilanang may mga bisyo raw umano ang mga ito.

$ads={2}

"Ayun 'yung nag-news kami before, ang dahilan kasi sabi ko kung may mga bisyo kayo, kung 'di niyo kayang tigilan, wala naman akong pakelam do'n. Pero umalis na kayo dito sa puder ko," kwento ni Diwata.

"Kasi kaya sila napunta do'n sa tulay, dahil sa akin. Ako nagpatira sa kanila kasi sa kalsada lang kami nagkakila-kilala. 'Pero kung may mga bisyo kayo, para hindi naman ako madamay, umalis na lang kayo,'"  pagpapatuloy pa nito.

"[...] Ayun 'yung mga time na, dumating sa point na nagkasakitan, nasugatan ako dito. [...]," saad pa ni Diwata.

"Pero ngayon, okay na kami. Nagkapatawaran naman na," pahayag pa nito. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form