Ogie Diaz willing umanong i-guide si Diwata kahit walang bayad

 

Photo Courtesy: @ogie_diaz/instagram-diwata pares over fans page/Facebook

Willing umanong i-guide ni Ogie Diaz ang "Street Food Sensation" na si Diwata nang walang kapalit na bayad.

$ads={1}

Naibahagi kasi ni Ogie sa kanyang Showbiz Update Vlog ang pagkikita nila ni Diwata sa set ng Batang Quiapo na kung isa si Diwata sa cast. Sa naturang episode ay naibahagi ni Ogie na concern at naawa raw si CocoMartin  kay Diwata.

"Feeling ni Coco, kailangan ng guidance ni Diwata dahil ang daming nagsasamantala sa kanya. Let's face it, sikat ngayon si Diwata. Kahit hindi siya aware na sikat siya. Ang daming lumalapit, nakikipag-collab kay Diwata. Tapos merong babayaran lang siya ng ganito. May magpapasuot sa kanya ng t-shirt ng isang pulitiko. Meron pang eksena, ipa-franchise yung pares." sabi ni Ogie 

$ads={2}

Kaya naman nakapag-disisyon si Ogie na umanoy magbigay siya ng libreng serbisyo para kay Diwata upang magabayan niya ito sa pagnenegosyo.

"So guidance, para nasa right direction si Diwata. And I told Diwata, ito number ko, tawagan mo 'ko kung may concerns ka, pwede kitang i-guide. Kahit walang bayad, sabi ko sa kanya. Sabi ko kay Diwata, open ako diyan. Kung gusto mong mag-consult sa akin, for free. Para lang mai-guide ko siya hindi naman para pagkakitaan natin si Diwata." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form