Richard Gutierrez at Sarah Lahbati muli umanong nagkita?

 

Muli umanong nagkita ang dating mag-asawa na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ibinahagi ito ng columnist na si Cristy Fermin sa May 15 episode ng kanyang show na "Cristy Ferminute"

$ads={1}

Labis umanong nasisiyahan si Fermin para sa mga anak ng dating mag-asawa.

"Ako’y maligayang-maligaya para sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Kasi ‘yong kanilang si bunso, si Kai, ay nag-moving up, e. Syempre dapat nando’n ‘yong mga magulang para ipakita sa kanilang mga anak na proud sila,”sabi ni Fermin 

$ads={2}

 “‘Yan ang nakakatuwa, Nay. Hindi sila bumibitiw sa kanilang mga anak sa kabila ng hindi pagiging buo ng kanilang pamilya. Co-parenting sila.”sey naman ng kasamahan ni Fermin na si Rommel Chicka

“Totoo ‘yan. Totoong-totoo ‘yan. At nakakatuwa po, si Richard Gutierrez ay talagang napakaresponsableng ama. Manang-mana sa kaniyang tatay, si Tito Eddie Gutierrez,” hirit naman ni Fermin 

Matatandaan na nito lamang Marso ay tinapos na ni Sarah Lahbati ang tsismis na talagang hiwalay na sila ni Richard Gutierrez.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form