Jolina Magdangal nabatikos dahil sa message niya sa bagong kasal na sina Charlie at Carlo Aquino

 

Photos: mariajolina_ig/Instagram

Binatiko ng ilang netizens si Jolina Magdangal na message niya sa bagong kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

$ads={1}

Sa kanyang post kasi ay sinabi ni Jolina na mina-manefest niya na magiging forever sina Carlo at Charlie. Aniya pa masaya siya dahil nasaksihan niya ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” mensahe pa ni Jolina kay Carlo.

“April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo. Congratulations and best wishes!!!” saad naman niya kay Charlie.

$ads={2}

“Sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever.. (love you mahal),”

Sa comment section ng kanyang post ay maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang mensahe ni Jolina sa bagong mag-asawa at tinawag siya na konsintidor dahil sa naiwan ni Carlo na sina Trina Candaza at ang kanilang anak.

“Mapagmahal hehe natawa ako dun. Saksi din kami sa pananakit nya sa damdamin ni angelica at ni trina.”

“Ang hirap maging masaya para sa mga taong nang apak at nanakot ng iba. Sana hindi pag daanan ni charlie yung sakit na pinag daanan nina mithi and trina. Only then she will understand how painful it is maiwan ng lalaking kagaya ni carlo aquino. Wag sana.”

“Ano ba jolina? Panong naging mabait e iniwan nga ang mag-ina nya? Baby pa lang anak nila iniwan na. Very immature.”

“Palakunsinte kaibigan ka pala Jolina. Kinunsinte mo pa pala cla. Kawawa Trina at sa baby nila.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form