Keanna Reeves ibinahagi kung bakit na-ban siya sa mga show ni Luis Manzano

 

Photos: luckymanzano(Instagram)/Ogie Diaz(Youtube)

Na-ban pala noon si Keanna Reeves sa mga shows ni Luis Manzano. Ito ang ibinahagi ni Keanna sa youtube show ni Ogie Diaz nang mag-guest siya kamakailan.

$ads={1}

Sa naturang show ay ibinunyag ni Keanna na tila nagalit si Luis sa kanya matapos pumutok ang issue nila noong dalawa. At mula raw noon ay naka-ban na siya sa mga show ni Luis.

“May hindi magandandang naidulot sa akin ‘yung nagalit sa akin si Luis. Kasi ‘di ba lahat ng game show sa ABS-CBN si Luis ang host? ‘Di ba ang dami-dami niyang shows,”kwento ni Keanna 

$ads={2}

‘E dati nu’ng hindi pa kami nagkaproblema, lagi akong pilot episode niya lagi akong line up sa guesting niya. So mula nang lumabas ang issue na ‘yun as in naka-ban na ako sa mga shows niya,”dagdag pa niya 

Close daw talaga sila ni Luis noon ngunit simula nang lumabas ang issue ay hindi na sila nagka-usap. Hindi din raw siya nagsisi sa nangyari: "Atleast na..naka-try ako kay Luis" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form