Vice Ganda binawa ang sorry sa "EXpecially For You" searchee

 

Photos: Its Showtime/Facebook

Binawi ng Its Showtime host na si Vice Ganda ang kanyang sorry sa "Expecially For You" searchee na si Axel tungkol sa "Nakaw na Halik" issue.

$ads={1}

Matatandaan na sa kanyang tweeet ay sinabi ni Vice na magsosorry umano siya kay Axel dahil mali umano ang kanyang reaction.

“Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy,” sabi ni Vice sa kanyang tweet 

Ngunit sa June 4 episode ng Its Showtime ay binawi ni Vice ang kanyang naunang pahayag. “Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did,” sey ni Vice 

$ads={2}

Sabi pa ng host: “Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right.”

Kwento pa ni Vice na talagang hindi raw naging komportable si Christine sa ginawa ni Axel noong mga oras na iyon.

Sabi ni Vice: “Talagang na-off siya at may naramdaman siyang hindi siya kumportable sa ginawa nung searchee,” 

“Nirerespeto namin ang dahilan ni Christine kung bakit sinabi niya yon, na hindi siya na-off when, in reality, na-off talaga siya. At since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi mali na kinolout namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma kung para sa kanya, sa pakiwari niya ay hindi siya kumportable sa ikikilos ng sinuman sa harapan niya.

“Kung hahawakan man siya, hahalikan man siya, aakbayan man siya, tatapikin man siya, karapatan po ng babae na tumanggi at umalma.

“At yun po ang nakita namin noon araw na iyon—may pag-alma si Christine kaya kinolout namin. Dahil obligasyon po rin namin, dahil imagine kung may ganung pangyayari na merong boundary na natapakan pero wala kaming ginawa, iko-call out din po kami.”

“Ginawa po namin yun para protektahan ang aming guest din, na hindi matapakan ang kanyang boundary bilang isang babae nung puntong yon,”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form