Mga Fans ni Vice Ganda nagrequest kay Coco na ipatanggal si Nikko Natividad sa Batang Quiapo

 

Photos: nikkonatividad,cocomartin_ph,praybeytbenjamin/Instagram

Nagrequest ang mga fans ni Vice Ganda sa actor na si Coco Martin na ipatanggal umano si Nikko Natividad sa hit series na Batang Quiapo. 

$ads={1}

Kasunod ito ng mga post ni Nikko na tila nagpatama kay Vice Ganda. Deleted ba ngayon ang mga post ni Nikko ngunit maraming netizens ang nakakuha ng screenshot sa kanyang post.

“Naawa lang ako sa lalaki na may nagawang mali pero hindi niya talaga intensyon. At syempre dun sa babae.. Sobra lang kasi napahiya ‘yung lalaki na sasabihan pa na tatadyakan at pwede kasuhan.. ALAM KO KASI PAKIRAMDAM NG PINAPAHIYA SA TV AT NAPOPOWERTRIP BASE SA EXPERIENCE KO,” bahagi ng viral at deleted na post ni Nikko 

$ads={2}

Kaya naman maraming netizens ang naglabas ng hinaing tungkol sa sinabi ni Nikko hanggang sa umabot na sa puntong nagrequest na sila para tanggalin si Nikko sa seryeng Batang Quiapo.

Agree na kayo sa hirit ng mga netizens tungkol kay Nikko?  

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form