Paulo Avelino nagsalita na kaugnay sa viral na bed scene nila ni Kim Chiu

 

Photos: Viu/Instagram

Nagsalita na si Paulo Avelino kaugnay sa trending na bed scene nila ni Kim Chiu sa hit series na Whats Wrong With Secretary Kim.

$ads={1}

Sa panayam ng ABSCBN News ay inihayag ni Paulo sinusunod lang umano nila ang sinabi ng kanilang direktor:“We followed the directions of our director. Medyo awkward at first pero we rehearsed the moments, kung paano 'yung blocking namin and I think nagawa naman namin.”

Aminado rin si Paolo na hindi siya naging komportable sa ganoong mga eksena: “I always feel awkward sa mga ganyang eksena, so I try to make the environment as comfortable and as safe a possible,”

$ads={2}

Umaasa rin si Paulo na sa na raw ay komportable si Kim sa kanilang eksena: “Matagal na rin sa industriya si Kim, pero I think never naman nasasanay 'yung mga actors natin sa mga ganung klaseng eksena. But I hope she felt safe and I hope she was comfortable with me,”

Ayon pa kay Paulo goal umano nila na maging natural tingnan ang nasabing eksena: “'Yun talaga ang magic ng cinema or ng acting. 'Yun ang biggest hurdle para sa akin, kung paano namin gagawin as natural as possible 'yung mga eksena,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form