Apat na Prutas para sa Hirap at Hindi Makarumi


Tignan at basahin ng mabuti ang 4 na letrang "P" na prutas na makatutulong sa hirap magdumi. 




Maraming tao ang hindi makarumi ng regular. Ang tawag dito ay constipation o pagtitibi ay puwedeng magpalala ng sakit sa puso, luslos at hemorrhoids. 


Ang mga buntis, kababaihan at may edad ay madalas hirap makarumi. Hindi namin pinapayo ang pag-inom ng gamot o herbal tea para makarumi. Sa katagalan ay makasasama ito. 

May mga prutas na mabisang lunas para sa hindi makarumi. Subukan niyo ang 4 na prutas na nag-uumpisa sa letrang "P" 
Credits: Google Images



1. Pakwan - Ang pakwan ay may taglay na 92% alkaline water. Mataas ito sa vitamin A, vitamin B, vitamin C, lycopene at potassium.

 Ang pagkain ng 2 hiwa ng pakwan sa maghapon ay puwede nang magpalambot ng dumi. May benepisyo din ang pakwan para sa bibig, sikmura at bituka. Makatutulong ito sa may singaw at bad breath (mabaho ang hininga). 
Credits: Google Images



2. Papaya - Ang papaya ay napakabisang prutas para sa hindi makarumi.  Kapag kumain ka ng 1 o 2 hiwa ng papaya ay siguradong lalambot ang iyong dumi. Kapag matamis ang papaya ay mas mabisa ito.

 May sangkap na papain ang papaya, isang enzyme na nakatutulong sa paglambot ng dumi. Mataas din sa vitamin C ang papaya kaya masustansya ito. Huwag lang sosobrahan ang pagkain at baka magtae ka naman. 

Credits: Google Images



3. Peras (Pears) - Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi.  Ang fiber ay nagbibigay ng hugis (o bulk) sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi.


Ayon kay Dr. Jay Hoecker ng Mayo Clinic, puwedeng bigyan ng peras ang mga sanggol at bata na hindi makarumi. Ang 2 hanggang 4 na onsa (ounce) ng katas ng peras ay maaring makatutulong sa pagdumi ng bata. 

Credits: Google Images



4. Prunes - Sa pilipinas, makabibili tayo ng prune juice at dried prunes sa mga supermarkets. Ang prunes ay matagal nang lunas para sa pagtitibi. 

Tulad ng peras, may taglay na fiber, sorbitol at antioxidants ang prunes. Sa bawat kalahating baso ng prune juice (100 ml) may sangkap itong 6.1 grams ng sorbitol. Dahil dito, napapalambot ng prunes ang dumi. Ayon sa mga eksperto, may tulong din ang prunes sa buto at sa pag-iwas sa osteoporosis. 

Kaya tandaan natin ang apat na prutas na nabanggit para maiwasan ang pagtitibi at maging malusog.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form