Gary Valenciano buong pagmamahal na binuhat ang asawang nagkaroon ng minor injury

Buong pagmamahal na binuhat ni Gary Valenciano ang kanyang asawang si Angeli Pangilinan.

Gary Valenciano buong pagmamahal na binuhat ang asawang nagkaroon ng minor injury

Si Gary Valenciano ay isang kilalang OPM artist at television host dito sa Pilipinas. Siya ay kilala rin sa tawag na "Mr. Pure Energy" dahil sa energetic at intense niyang mga performance on stage. Ikinasal si Gary kay Maria Anna Elizabeth "Angeli" Pangilinan, the ang kapatid ni Senator Francis Pangilinan. Mayroon din silang tatlong ito at sina Paolo Valenciano, Gab Valenciano, at Kiana Valenciano.

Noong December 2022, ay nagpost ang asawa ni Gary na naka-experience ng mga health concerns ang kanyang asawa. Ibinahagi niya kung bakit pumaos ang boses ni Gary. Kwento ni Angeli, nagperform raw ito ng four two-hour plays sa loob ng dalawang araw. Sinabihan niya raw ito na huwag raw pilitin ang sarili ngunit hindi raw ito nakinig dahil gusto raw nitong magperform.

At nito lamang April 7, ay ipinost ni Angeli ang video na kung saan binuhat siya ng kanyang asawa matapos itong ma-injury. Sa video ay sumakay sa likod ni Gary si Angeli habang dahan-dahang bumaba sa hagdanan.

"So I got injured in my leg and needed stitching / minor surgery. Please pray for me! Thank God my husband is a strong man,” kwenton ni Angeli sa kanyang post 

Ibinahagi rin ni Angeli na ang naturang video ay parang sa scene ng mga Korean Drama Series.

"Parang Koreanovela when he carried me" sabi pa ng asawa ni Gary 

Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang mga taong nagdasal sa kanya: "Thanking my family, my friends and my fans who prayed for me!” 

Narito ang video:

Video source: @AngeliPV on twitter 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form