Kris Aquino naispatang namasyal

Spotted ngayon ang Queen of All Talk na si Kris Aquino na namasyal kasama ang kanyang anak at kaibigan.

Kris Aquino naispatang namasyal

Si Kris Aquino na may tunay na pangalan na Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay isang television host, actress, producer, socialite at businesswoman. Kilala rin si Kris sa tawag na Queen of All Media.  

Si Kris ay naging in-active sa showbiz ilang taon na ang nakalipas dahil sa kanyang autoimmune illnesses. Siya ay nadiagnose ng apat na autoimmune conditions at kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa ibang bansa.  

Nito lamang weekend ay spotted si Kris Aquino na namasyal sa Newport Beach, California, kasama si Mark Leviste. Si Mark ay isang Vice Governor sa Batangas na matatandaang nalilink kay Kris.

Sa Ig stories ni Mark ay makikitang nagsa-shopping sila sa Fashion Island na kung saan kasama din nila ang kaibigan ni Kris na si  Michael Leyva at ang anak ni Kris na si  Bimby.

Kaya naman maraming netizens ang natuwa sa ibinahaging update ngayon ni Mark tungkol kay Kris. Ito ang patunay na talagang bumuti na ang kalagayan ngayon ni Kris.

Samantala, sa nakaraang artikulo ay nagbahagi si Bimby ng update sa kalagayan ni Kris Aquino. Aniya bumuti na raw ang kalagayan ng kanyang ina.

Kwento ni Bimby, nadagdagan na raw ang timbang ng kanyang ina at nasa 103 pounds na raw ito. 

"For me, kahit 80 lbs si Mama, even if she was 80 lbs, she’s still be the most beautiful mama ever para sa akin"sey pa ni Bimby sa interview ni Boy Abunda 

Narito ang post ni Mark Liveste:

Photo Source: @markleviste IG

Photo Source: @markleviste IG

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form