Kiray binigyan ng 1M cash ang ina sa birthday nito

Binigyan ng komedyanteng si Kiray Celis ang kanyang ina ng 1million cash sa birthday nito kamakailan lang.

Kiray binigyan ng 1M cash ang ina sa birthday nito

Si Johanna Ismael Celis, na mas kilala sa kanyang stage name na Kiray ay nagsimula bilang artista sa ABSCBN. Sumikat si Kiray nang maging parte ito sa Kapamilya children’s comedy show “Goin’ Bulilit.”

Sa kasalukuyan ay nasa GMA Network na ang komedyante.

Sa mga nakaraang interview, ibinahagi ni Kiray na ang kanyang mga magulang ang tumanggap ng kanyang buong sahod. “Lahat ng pera ko nasa kanila. By choice. Lahat ng work ko, nasa kanila, na kay mama at kay papa.”sabi niya 

At nito lamang nakaraang araw April 10, ay pinaiyak ni Kiray ang kanyang ina sa tuwa nang regalohan niya ito ng 1million cash sa birthday nito. Ayon kay Kiray ang naturang pera raw ay gagamitin para ipatayo ng bago nilang bahay na pwede rin parentahan. 

Nilagay ni Kiray ang pera sa helmet at binigay niya ito sa kanyang ina bilang regalo sa birthday. Parehas na naiyak ang ina at kapatid ni Kiray sa tuwa dahil anila malaki raw tulong ng pera na ibinigay ng komedyante.

"Pinag-ipunan ko ito kasi ito ‘yung gusto kong ibigay sa kanya, kasi ipapagawa niya ‘yung bago naming bahay. Meron akong biniling lote sa kanya nung nakaraan tapos ito na ‘yung pampagawa ng bagong bahay"sabi ni Kiray 

"Ito na yung ipinangako ko sa ‘yo—isang milyon para sa ‘yo, mama,"dagdag pa niya 

Samantala sa comment section ng post ni Kiray ay marami sa kanyang mga fans at followers ang humanga sa komedyante.

Narito ang video:

1 Million Cash Para kay Mama! 🙏😱 Happy birthday, Ma! mahal na mahal kita sobra sobra! ❤️

Posted by Kiray Celis on Monday, 10 April 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form