Chie Filomeno may prangkang sagot sa basher na kumukwestyon sa kanyang pagpaparetoke


May prangkang sagot si Chie Filomeno sa basher na kumukwestyon sa kanyang pagparetoke. 

Chie Filomeno may prangkang sagot sa basher na kumukwestyon sa kanyang pagpaparetoke [đŸ“·:chiefilomeno Instagram]


Sa mundo ng showbiz, ang mga artista ay kilalang personalidad na laging nasa harap ng kamera at pinapantasya ng maraming tao. Bahagi na ng kanilang identity at kasikatan ang kanilang itsura at pangangatawan. Ngunit sa likod ng kanilang mga nagagandahang mga larawan ay may ilan sa kanila ang sumasailalim sa pagpaparetoke.


Dahil medyo hightech na ngayon ang teknolohiya ay naging pangkaraniwang bagay na lamang ang pagpaparetoke. Maraming artista ang sumasailalim sa mga pagpaparetoke, tulad ng pagpapalaki ng mga hinaharap, pagpapaayos ng ilong, pagpapagawa ng mukha, at iba pa.  


(ads)


Gaya na lamang ni Chie Filomeno na buong tapang niyang inilahad na sumailalim siya sa naturang proseso. Ngunit sa isang tiktok video, ay nagbahagi ang actress ng isang video na kung saan mayroong screenshot ng isang komento ng basher tungkol sa pagpaparetoke. 


"women empowerment ba yan?? ineencorage niyo mga kababaihan na magparetoke buong mukha kaysa iembrace ang natural na ganda ng pinay lol" sabi ng basher 


Ayon kay Chie, wala raw siyang  ineencorage na mga tao tama na magparetoke ngunit wala naman daw masama kung gawin nila ito. 


"Kung ito ang sa tingin mo magpapasayo sa’yo, magbibigay confidence sa’yo, why not do it?" sabi ni Chie sa basher 


Matapos nito ay prangka niyang tinanong ang basher: “Pera mo ba ang ginagamit ko sa pagpaparetoke ko?”  


Sabi pa ni Chie bilang medyo may edad na ay alam na raw nila kung ano ang tama o mali ngunit ang mali raw dito ay ang ginagawa ng basher: "Yang ginagawa mo ang mali. Parang dini-degrade mo ang lahat ng taong nagparetoke. Parang ang sama-sama naming tao,” 


@chiefilomeno Replying to @D♡ ♬ original sound - C H I E

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form