Relate? Netizens napa-react sa 'Maling Computation' ng resibo sa Batang Quiapo

Maraming netizens ang nagreact matapos nilang mapansin ang maling computation sa isang resibo sa Batang Quiapo. 

Relate? Netizens napa-react sa 'Maling Computation' ng resibo sa Batang Quiapo  [Larawan mula sa TV5 ]


Talagang di nakalampas sa mga mata ng mapagmatiyag na mga netizens ang isang eksena sa patok na teleseryeng "Batang Quiapo". 


Napansin kasi nila ang maling computation sa isang resibo sa bill ni "David" ang character na ginampanan ni McCoy de Leon. Sa naturang eksena kasi ay nanlibre si David sa kanyang mga kaibigan. 


(ads)


Sa resibo ay makikita ang bayarin ni David na may total amount na P8,168 ngunit kapag susumahin mo ito isa-isa ay naglalaro lamang sa P 4,076.


Kaya naman sa comment section ay binaha ng komento ang naturang eksena na pinost ng TV5 sa kanilang page. Sabi ng ilang netizens: 


Larawan mula sa TV5 Facebook page


"Mali computation hahaha.”


“Ano ba ‘yan, sinasadya bang ganyan para pag-usapan? Mali naman computation hahaha.”


“4076 ang total.. Grabeeee ang taas ng vat halos kalahati.”


“Sabi ko na nga ba may mali hahaha.”


“Mali yung pagkuwenta hahaha, pati ako napa-compute eh.”


“Makatotohanan talaga lagi mga kaganapan dito.” 


Samantala, nagbiro naman abg TV5 base sa kanilang page kung saan ipinost nila ang screenshot ng naturang eksena: “Wuooouuuyyyy wala kaming kinalaman sa computation! Nalasing na rin ang cashier.”


“Lasheeennggg din ang cashier beh. Lasing din sina David kaya no time porda compute.”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form