Video kung saan kinanta ng mga Eat Bulaga host ang theme song ng Its Showtime vir


Viral ngayon sa social media ang video kung saan kinanta ng Eat Bulaga host ang theme song ng Its Showtime.

Video kung saan kinanta ng mga Eat Bulaga host ang theme song ng Its Showtime viral (larawan mula sa Eat Bulaga Youtube)

Sa isang episode ng noontime show ng GMA Network na Eat Bulaga, ay tila naging kwela ito dahil sa hamon ni Joey de Leon sa mga host.


(ads)


Sa "Da Kads Bar" segment kasi ng nasabing show ay napagkatuwaan ng mga host na mag sing-along sa song requests ng mga viewers.


Nagmistulang gig sa isang bar ang ganap sa kanilang studio dahil sa complete with live band backup ang set-up at may pakimkim pa na pera galing sa mga nagre-request. 


Ilan sa kanilang kinanta kabilang ang kanilang special guest na si Gabbi Garcia ay ang mga kantang "I Gotta Feeling" ng Black Eyed Peas, "Levitating" ni Dua Lipa, "Sinta" ng Aegis, "Just the Way You Are" ni Bruno Mars, "Dancing Queen" ng ABBA, at "Bakit Ngayon Ka Lang" ni Ogie Alcasid at pinasikat din ng Freestyle.


Sa gitna ng kanilang pakulong ito ay hinamon ni Joey de Leon ang mga host na kantahin ang theme song ng katapat nilang programa na Its Showtime. 


"Limang libo, dagdagan ko pa sampung libo na," alok ni Joey sa mga host 


Game na game naman na kinanta nina Jose, Gabbi, Allan K, at Wally Bayola ang nasabing theme song at nagbiro si Joey ng :"Tanggal na kayo!" .  Tawang tawa naman ang mga audience na nanonood sa kanila. Matapos noon ay nagpatuloy na sila sa kanilang kantahan.


Pwede mong panoorin dito ang kanilang masayang kantahan:

 

Mga Dabarkads sa Eat Bulaga napakanta ng theme song ng It's Showtime Katuwaan lang, hinamon ni Joey de Leon ang kanyang co-hosts na kantahin ang It's Showtime theme song. 🎥 Eat Bulaga #KapamilyaUnited

Posted by Kapamilya United on Saturday, 6 May 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form