90's Matinee Idol na si Patrick Guzman pumanaw na


Pumanaw na ang 90s model at matinee idol na si Patrick Guzman ngayong araw June 17, 2023.

Ibinahagi ni Kapamilya host, singer-songwriter at aktor na si Ogie Alcasid ang malungkot na balita kalakip ng kanilang larawan kasama si Kapuso comedy genius Michael V. at actor-host Anjo Yllana galing sa photoshoot ng isa sa kanilang blockbuster hit comedy movie na "Mama's Boys 2".


(ads)


Hindi pa idinedetalye, habang isinusulat ito, ang sanhi ng kanyang pagkamatay.


Unang nakilala si Guzman bilang modelo ng isang sikat na brand ng relo, hanggang sa naging aktor siya sa ilang pelikula, partikular sa Octo-Arts Films. Naging host din siya sa ng Sunday daytime game show ng ABS-CBN na "Ready, Get Set, Go" kasama si Sir Bitoy, Eric Quizon, Michael "Eagle" Riggs at Maila Gumila.


Isa sa mga huling pelikula nito ay ang Star Cinema movie na "Kung Ako Na Lang Sana" nina Aga Muhlach at Megastar Sharon Cuneta.


Kilala rin noon si Guzman bilang "90s Papa P" dahil sa angking kagwapuhan nito at maganda ang tindig ng katawan, kaya naitatampok rin siya sa mga sikat na magazines, formal man o sexy ang kanyang mga larawan.


Nakabase si Guzman sa Canada kasama ang kanyang pamilya. Naitampok din siya sa isang artikulo kung saan mayroon siyang ginagawang acting workshop at isa rin siyang celebrity doon.


Via Jeff Oligar TV

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form