Cristy Fermin nagreact sa pagtanggi ni Kuya Kim na masama sa Eat Bulaga: "Mukhang nabahag ang buntot"

Nagbigay ng kanyang prangkang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa umanoy pagtanggi ni Kuya Kim na masama bilang bagong host ng Eat Bulaga.

Cristy Fermin and Kuya Kim Atienza 


Sa latest episode ng show ni Fermin na "Cristy Ferminute" ay kanilang natalakay ang tungkol sa pagtanggi ni Kuya Kim bilang bagong host ng Eat Bulaga.


(ads)


Matatandaan kasi na kamakailan lang ay ginulat ng mga original host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic and Joey ang madla nang inanunsyo nila ang pagkalas sa Tape Inc. 


Matapos nun ay isa ang pangalan ni Kuya Kim na lumitaw bilang umanoy bagong host ng nasabing show. Ngunit ayon sa manager ni Kuya Kim ay hindi raw pwede tumanggap si Kuya Kim ng ibang show dahil may existing show raw ito. 


Ngunit ayon kay Fermin, parang nabahag raw ang buntot ni Kuya Kim. 


"Si Kuya Kim Atienza, mukhang nabahag ang buntot, di ba? Hindi siya sumama sa bagong 'Eat Bulaga,' di ba?. At maagap ang kanyang manager na si Tito Noel Ferrer, na meron siyang existing na show. Hindi pupuwede siyang tumanggap ng pang-araw-araw na ganitong programa,"sabi ni Fermin
 

"Pinakamagandang paraan na lang yon ng pangangatwiran. Pero ang totoo, bakit ka lalapit sa apoy? Di ba? Ano? Para sunugin ang sarili mo? Tatanggapin niya itong bagong 'Eat Bulaga,' ang kapalit naman konsumisyon ng bashing. Bakit siya pupunta diyan? Di ba? Yun lang yon," sabi pa ni Fermin 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form