"Eats Chowtime" post ni Kuya Kim kasama sina Billy at Eruption viral; Kuya Kim may mensahe sa basher


Mabilis na nagviral sa social media ang "Eats Chowtime" post ni Kuya Kim Atienza kung saan kasama niya sina Billy Crawford at Eruption.

Eruption, Kuya Kim Atienza, Billy Crawford [📷 Kuya Kim Atienza IG ]


Maraming netizens ang napareact sa naturang post ni Kuya Kim. May ilan ang nagsasabing pagsasama raw ito ng noontime show na Eat Bulaga at Its Showtime. 


(ads)


May isa ring netizens ang binanatan si Kuya Kim at sinabihan siya na : "So they say you will be part if FAKE eat bulaga host. Don’t you have any delikadesa in your body? Is this just for the money? OMG! Have some dignity!”  


Agad itong sinopla ni Kuya Kim at sinabihan niya ang basher na : "hingang malalim para di ka praning. Stay away from drugs." 



Matatandaan na sina Billy, Kuya Kim at Eruption ay dating magkasama sa Its Showtime bilang mga host. Meron din kumakalat na rumors na isa si Kuya Kim sa mga bagong host ng Eat Bulaga ngunit pinabulaan agad ito ng kampo ni Kuya Kim at sinabing hindi siya magiging host ng  nasabing noontime show.


Samantala kamakailan lang ay ipinakilala na ang mga bagong host ng Eat Bulaga. Kabilang rito sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, and the Legaspi twins (Cassy and Mavy). 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form