Matapos magresign sina Tito,Vic and Joey, iba pang mga host ng Eat Bulaga kumalas narin


Kumalas narin ang iba pang host ng Eat Bulaga matapos magresign sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Matapos magresign sina Tito,Vic and Joey, iba pang mga host ng Eat Bulaga kumalas narin

Matatandaang inanunsyo ng TVJ nitong Miyerkules ng tanghali, sa pamamagitan ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga,” ang kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE, Inc.


(ads)


Sa post ni Paulene Luna nito lamang Hunyo 1 sa kanyang instagram stories ay ibinahagi niya ang resignation letter ng mga iba pang host ng Eat Bulaga para sa Pangulo at CEO ng Tape Inc. na si Romeo Jalosjos Jr. na may petsang Mayo 31, 2023.


Mababasa sa nasabing resignation letter ang sumusunod: 


“Dear Mr. Jalosjos, 


Dahil po sa mga nangyari, kami po ay magpapaalam na rin sa TAPE, Inc. simula ngayong araw, Mayo 31, 2023,” 


Makikita sa baba ng nasabing letter ang lagda ng ilang mga Eat Bulaga host. Kabilang na rito sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, at Allan K.


Samantala mababasa naman sa caption ni Paulene na : “All the hosts, writers, sales, production and cameraman followed suit immediately after TVJ’s resignation,”  

Photo Credits: Paulen Luna Instagram 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form