Tito Sotto naglabas na ng saloobin sa pagkalas nila sa Tape Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin"


Naglabas narin sa wakas ng saloobin si Tito Sotto kaugnay sa pagkalas nila sa Tape Inc. nito lamang May 31. 

Tito Sotto naglabas na ng saloobin sa pagkalas nila sa Tape Inc: "Binigla kami e di binigla na rin namin"


Ang TAPE Inc. ang producer ng noon time show na Eat Bulaga na mapapanood sa GMA Network na tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.


(ads)


Sa kasalukuyan kabilang sa mga host ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup. 


Samantala sa isang panayam ay nagsalita narin sa wakas si Tito Sotto kaugnay sa nangayari noong May 31 na ikinagulat ng marami netizens. 


Kwento ni Tito Sotto, wala raw silang ibang plano sa araw na iyon at ang gusto lamang nila ay ang magtrabaho ngunit laking gulat raw nila dahil hindi raw sila pinayagang maglive. Kaya naisip nila na baka raw ito na ang sign ng Panginoon na sila ay magdesisyon. 


Sabi pa ni Tito, kahit nangangapa raw sa kanilang sinasabi ay naipahatid naman daw nila ng maayos sa kanilang mga fans ang gusto nilang sabihin. 


Samantala, wala pang ibang desisyon ang TVJ kung ano ang susunod nilang hakbang. 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form