"Network War no More" Ilang mga Kapuso Stars guest sa Its Showtime ngayong araw


Tila natapos narin sa wakas ang tinatawag na "Network War" matapos magi-guest ang ilang mga Kapuso Stars sa Its Showtime ngayong araw.

"Network War no More" Ilang mga Kapuso Stars guest sa Its Showtime ngayong araw


Ngayon kasi July 1, ang opening ng Its Showtime sa paglipat nila sa GTV ng GMA. Matatandaan na kamakailan lang ay naglabas ng pahayag ang ABSCBN sa paglipat nila sa GTV matapos nilang tanggihan ang alok ng TV5 na ilipat sa sa 4:30 na timeslot. 


(ads)



Sa kanilang unang araw bilang Kapuso, ay magi-guest ang ilan sa mga Kapuso Stars. 


Base sa artcard na inilabas ng Its Showtime, kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Rodjun Cruz na mag-guest sa naturang noontime show. 


Guest rin ang mga dating Kapamilya stars na ngayon ay mga kapuso na gaya nina Richard Yap, Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, at ang komedyanteng si Pokwang.


Kaya naman marami sa mga solid showtimers ang excited sa pagsasanib ng mga dating katunggali higanteng istasyom ngunit ngayon ay nagkaka-isa na. 


Larawan mula sa Its Showtime Facebook 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form