Pen Medina emosyonal na pinasalamatan ang kanyang partner dahil sa di pag-iwan sa kanya nang siya'y nagkasakit


Di mapigilang maging emosyonal ni Pen Medina na nagpasalamat sa kanyang partner dahil sa di pag-iwan nito sa kanya nang siya'y nagkasakit.

Pen Medina emosyonal na pinasalamatan ang kanyang partner dahil sa di pag-iwan sa kanya nang siya'y nagkasakit


Matatandaan na noong 2022 ay ipinakita ni Ping Medina ang kalagayan ng kanyang ama nang ito'y maospital dahil sa sakit na Degenerative Disc Disease o (DDD) dahilan para siya ay mahirapang tumayo at umupo. Nag-post siya na kumatok sa mga mabubuting puso ang pamilya Medina para sa pagpapagamot ng ama nilang si Pen.


(ads)


Nang makalabas na si Pen at naging bahagi siya ng Batang Quiapo, ay ibinunyag niya ang pinakamatinding tulong na naibigay sa kanya ni Coco Martin nang siya ay maoperahan. Bukod pa sa tulong sa pagpapa-opera ay tinulungan rin siya ni Coco na maging bahagi ng Batang Quiapo kaya labis ang pasalamat niya sa actor.


Nito lamang nakaraan, ay nainterview ng journalist na si Julius Babao si Pen. Sa naturang interview ay di mapigilang maging emosyonal ng actor na nagpasalamat sa kanyang partner na si Tess Antonio dahil sa di pag-iwan sa kanya ng siya ay nagkasakit. Aniya di raw bumitaw ang kanyang partner sa kanya kahit siya mismo nagsabi na itapon na lang daw siya sa ilog dahil ayaw niyang maging pabigat.


"Thank you kasi malaking sakripisyo yung nangyari. Saka hindi siya bumitaw kahit na ako na mismo yung nagsabi na okay lang, sige. Itapon mo na ako sa ilog pag walang nangyari dito pag hindi ako lumakas ayoko maging pabigat. Hindi naman ako tinapon sa ilog. Binigyan ako ng salbabida."sabi ni Pen

 

Pwede mong panoorin dito ang buong interview na ipinost ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel na Julius Babao Unplugged:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form