Video kung saan kinanta ni Vice Ganda ang themesong ng GMA viral


Mabilis na nagviral sa social media ang isang video clip kung saan kinanta ni Vice Ganda ang themesong ng GMA 7.

Video kung saan kinanta ni Vice Ganda ang themesong ng GMA viral


Sa latest episode ng Its Showtime, ay nabanggit ng isa sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan na si Jona ang salitang "mapuso" sa kanyang komento bilang isang hurado. 


(ads)


Matapos ang komento ni Jona sa contestant ng nasabing show ay biglang naisip ni Vice ang sinabi ni Jona na "mapuso" at kanya itong pinalitan sa salitang "Kapuso". Pagkatapos ay kinanta niya ang theme song ng GMA 7 na “Kapuso, Anumang Kulay ng Buhay”.


Pagkatapos kumanta ni Vice ay nag-heart sign pa ito at marami sa mga audience ang natawa. Maging si Anne Curtis na co-host ni Vice sa mga oras na yun ay nagheart sign na rin. 


Kaya palaisipan ngayon sa maraming netizens kung posible kaya na lilipat sa GMA 7 ang Its Showtime? Matatandaan kasi na may nagsilabasang rumor na umanoy delayed telecast nang mapapanood ang Its Showtime sa TV5 dahil lilipat na sa nasabing network ang TVJ. 


Wala pa namang opisyal na announcement na ginawa ang TV5 kaya hanngang ngayon ay nananatiling rumor parin ito. Tikom din ang bibig ng kampo ng Its Showtime kaugnay sa isyu. 


Pwede mong panoorin dito ang clip na ipinost ng @altstarmagic sa twitter na may caption na: "Abangan sa GMA scharotteeeeeeeeeee"


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form