Vice Ganda nagreact sa contestant na nagsasabing “masarap naman po mabuhay bilang mahirap”


Nagreact ang komedyante at Its Showtime host na si Vice Ganda sa isang contestant na nagsasabing “masarap naman po mabuhay bilang mahirap”. 

Vice Ganda nagreact sa contestant na nagsasabing “masarap naman po mabuhay bilang mahirap”  

Hindi ito sinang-ayonan ni Vice Ganda at kino-correct niya ang sinabi ng nasabing contestant.


(ads)


Sabi ni Vice sa isang episode ng Rampanalo sa Its Showtime: "Iko-correct lang natin ‘yan ha. Kasi hindi tama ‘yung sinasabi nating okay naman maging mahirap. Alam mo ang okay lang na nararamdaman ng maraming mahirap, okay kasi mahirap sila pero nagmamahalan silang pamilya, okay ‘yon.” 


"Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay yon. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay yon. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay yon." 


Tinanong din ni Vice ang nasabing contestant ng: "Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba ‘yon?” sagot ng contestant:“Gusto po,” 

 

"Yon! Kaya huwag wag mong sasabihing okay, masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan. Mali ‘yon, mali. Maling mentality, ha.” sabi ni Vice


“Mali ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kundisyon ng ating pamumuhay.” dagdag pa  niya 


Pagpatuloy pa ni Vice: "Kaya gagawa ka ng paraan para makatakas doon sa kahirapan na yon, sa poverty. Para kapag nakaanak ka, mapag-aaral mo ‘yung anak mo. Magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Yung asawa mo maging komportable ang buhay. Hindi kayo matatakot kung paano kayo magbabayad ng utang.


“Mindset, mindset, mindset! Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa din. We change the mindset, diba? ‘Wag nating niro-romanticize ang poverty,”


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form