Andrea Brillantes tapat na inaming Super Crush niya si Paul Salas nung siya'y 4 years old

 

Tapat na inamin ng actress na si Andrea Brillantes na super crush niya ang actor na si Paul Salas noong siya ay 4 years old palang.

Andrea Brillantes tapat na inaming Super Crush niya si Paul Salas nung siya'y 4 years old

Nireveal ito ng actress sa collaborative vlog nila ng social media influencer at actress na si Ivana Alawi kasama ang kapatid nitong si Mona. Nasorpresa naman sina Ivana at Mona at napatigil sa pagkain matapos itong sabihin ni Andrea. 


(ads)


Tinanong kasi ng magkapatid ang actress kung sino ang kanyang first crush at diretsahan nitong inamin ang kapuso actor. 


“Ako po Paul Salas. Paul Salas kasi nag-audition po ako noon sa Marimar, GMA 7, na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, hindi ako nakuha. Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos ang kasama ko du’n si Paul Salas,” kwento ni Andrea 


(ads)


At dito na ay inamin ni Andrea na super crush niya ang actor: "Siguro mga four or five years old lang yata ako nu’n, tapos crush na crush ko talaga siya" 


Ngunit paglilinaw ng actress, noong 4 years old lang ito peru ngayon ay hindi na. "Crush na crush ko siya noon. Pero ngayon hindi na" sabi ni Andrea 


Si Andrea Brillantes ay isang sikat na aktres sa Pilipinas. Isinilang noong Marso 12, 2003, siya ay naging kilala sa kaniyang kahusayan sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. Isa siya sa mga batang aktres na nagtagumpay sa showbiz mula pa sa kaniyang pagkabata.


Nagsimula si Andrea bilang isang child star sa Goin' Bulilit at mabilis na sumiklab ang kaniyang karera. Nakilala siya sa mga teleserye tulad ng "Annaliza" at "Kadenang Ginto" kung saan ginampanan niya ang mahirap na papel ni Marga. 


Bilang isang young actress, patuloy niyang pinapakita ang kaniyang galing at kakayahan sa pag-arte at patuloy na ini-inspire ang mga kabataan sa kaniyang tagumpay.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form