Kim Chiu tahasang sinagot kung bakit wala siya sa kasal ni Maja Salvador: "Hindi ako Naimbitahan"

 

Tahasang sinagot ni Kim Chiu ang tanong ng netizen kung bakit wala siya sa kasal ni Maja Salvador at Rambo Nunez. 

Kim Chiu nagsalita na kung bakit wala siya sa kasal ni Maja Salvador: "Hindi ako maimbitahan"

Sinagot ni Kim ang nasabing tanong ng netizen sa kanyang latest vlog sa youtube. Matatandaan na ang bonggang kasal ni Maja ay naganap sa The Apurva Kempinski, Bali Indonesia. 


(ads)


Sa nasabing vlog, ay nagkaroon siya ng "sweet and spicy" Q&A edition sa kanyang mga  fans at followers habang nagluluto. At doon ay natanong siya kung bakit wala siya sa kasal ni Maja at Rambo. 


"Hindi naman kami sobrang close na ni Maja and hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap and syempre, kapag kasal mo, gusto mo yung mga taong gusto mo lang andiyan to witness your love sa partner mo," sagot ni Kim 


(ads)


At dito na ibinunyag ni Kim na hindi umano siya naimbitahan: "Hindi ako naimbitahan, pero okay lang, wala talaga. Sobrang happy ko para sa kanya, minessage ko naman siya," 


Samantala ibinahagi rin ni Kim na nagka-usap naman sila ni Maja kamakailan ng may nangyari sa kanyang babaeng kapatid. 


"Na-touch din ako nung minessage niya ako dahil dun sa nangyari sa ate ko. Sabi niya pinagpe-pray daw niya yung ate ko and sana raw okay lang ako. Nakausap ko siya nung may nangyari sa ate ko pero siguro sa kasal, hindi naman na yun importante kung imbitado ka o hindi, basta sa sarili mo masaya ka sa nangyari sa kanila tsaka deserve nila ang isa't isa, sila ni Rambo," kwento ni Kim 

 
Si Kim Chiu ay isang kilalang aktres sa Pilipinas. Isinilang noong April 19, 1990, nagsimula siyang sumikat noong sumali sa "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006, kung saan siya ang itinanghal na Big Winner. Mula noon, patuloy siyang namayagpag sa showbiz bilang isang versatile na aktres. 


Nakilala siya sa mga teleseryeng tulad ng "My Girl," "Tayong Dalawa," at "Ikaw Lamang." Isang malupit na aktres sa drama at komedya, sumiklab din ang kanyang karera sa pelikula, kabilang ang mga hits na "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?" at "The Ghost Bride." Maliban sa pag-arte, kinikilala rin si Kim Chiu bilang isang mabuting tao at philanthropist na nagbibigay tulong sa mga nangangailangan. 


Sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatiling humble at inspirasyon sa mga kabataan. Si Kim Chiu ay hindi lamang isang magaling na aktres kundi isang huwarang indibidwal sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form