Ogie Alcasid tapat na inaming di niya nagustuhan ang pakipag-live-in ng kanyang anak sa boyfriend nito

Tapat na inamin ng singer na si Ogie Alcasid na hindi niya nagustuhan ang pagkikipag-live in ng kanyang anak na si Liela sa boyfriend nitong si Curtis Smith.


Ogie Alcasid tapat na inaming di niya nagustuhan ang pakipag-live-in ng kanyang anak sa boyfriend nito

Si Liela ay anak niya sa kanyang ex-wife na si Australian beauty queen and former 1994 Ms Universe candidate, Michelle Van Eimeren. Sa interview ng bandera sa singer ay ibinahagi nito na hindi niya nagustuhan ang ginawa ng anak at sana ay nag-usap muna raw sila.


(ads)


"Anak, I didn't like what you did because that's something that I wished you talked to me about, diba?” sabi ni Ogie sa interview 


Ngunit ayon kay Ogie, dahil nangyari na ang dapat mangyari ay kanya nalang itong tinanggap. Aniya pa, proud daw siya sa kanyang anak dahil hindi umano ito nanghihingi ng pera sa kanila. 


(ads)


"However, nandyan na yan eh, ginawa nyo na yun so... You want to be an adult so you face life as an adult. And I'm proud she doesn't even ask money from me"sabi ni Ogie 

 
 Si Ogie Alcasid ay isang kilalang mang-aawit, kumpositor, at komedyante sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang career noong dekada '80, at agad siyang naging bahagi ng OPM (Original Pilipino Music) scene. Naging matagumpay siya bilang isang mang-aawit at kumpositor, nagbigay buhay sa mga kantang patok tulad ng "Nandito Ako."

Sa kanyang pag-arte at komedya, naging regular siya sa mga palabas tulad ng "Bubble Gang." At ngayon ay isa narin siya sa host ng Its Showtime.

Hanggang sa kasalukuyan, si Ogie ay hindi lamang isa sa mga pinaka-influential na mga artistang Filipino kundi pati na rin isa sa mga natatanging alagad ng musika na nagpapalaganap ng magandang musika sa buong bansa.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form